PNP, pinag-aaralan ang muling pagse-seal ng baril ng mga pulis sa Kapaskuhan

0
861

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabalik ng tradisyonal na pagse-seal o “muzzling” ng service firearms ng mga pulis ngayong Yuletide season upang maiwasan ang iligal na pagpapaputok ng baril.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, hindi na ipinatupad ng PNP ang muzzling policy dahil sa paniniwalang may sapat na disiplina ang mga pulis sa paggamit ng kanilang service firearms.

Ibinahagi rin ni PBGen Tuaño na ang panukala ay tinalakay na sa pulong ng PNP Directorial Staff, mga pinuno ng National Support Units, at Deputy Regional Directors for Operations.

Samantala, ngayong kapaskuhan, mahigit 70,744 na pulis at 30,000 augmentation forces ang naka-deploy sa buong bansa, na mas mataas kumpara noong 2024, upang mapanatili ang kaayusan sa mga lugar na dinaragsa ng publiko at masuportahan ang crime reduction strategy ng PNP.

Source: https://www.philstar.com/nation/2025/12/13/2493803/pnp-eyes-muzzling-service-guns