Nakilahok ang Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Tubo Team sa isang Christmas Give Back activity noong Disyembre 13, 2025, bandang alas-8 ng umaga sa Sitio Batayan, Barangay Alangtin, Tubo, Abra, na may temang “Giving the Gift of Service with a Warm Heart this Yuletide Season.”
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Tubo Municipal Police Station sa pamumuno ni PEMS Froilan W. Wagayen, katuwang ang Abra 2nd Provincial Mobile Force Company na pinamunuan ni PCpl Marvin C. Ciervo. Layunin ng programa na maghatid ng serbisyong may malasakit at palakasin ang ugnayan sa komunidad ngayong kapaskuhan.
Pinangunahan ang inisyatiba ng Alangtin DOH-HRH sa pakikipagtulungan ng Tubo R-PSB Team, Tubo Municipal Health Office, Free Believers in Christ Fellowship Inc., at Mobile Community Support Sustainment Team ng Bravo Company, 102nd Infantry Battalion, 5th Infantry Division.

Nagbigay ang mga katuwang na ahensya ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan tulad ng blood sugar monitoring, medical consultations, at general wellness support. Pinatingkad din ang diwa ng pagkakaisa sa pamamagitan ng mga palaro, salu-salo, at pamamahagi ng Christmas gifts at loot bags para sa mga senior citizen, persons with disabilities, at mga bata, na nagpalaganap ng saya, pag-asa, at malasakit sa komunidad.
Source: 2nd Abra PMFC



