AFP-PNP-PCG Interagency Exercise “Pagsasanay Lakas,” isinagawa para sa mas pinalakas na interoperability

0
521

Pinagbuklod ng iisang layuning protektahan ang bansa at bawat mamamayan, ipinakita ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang malasakit para sa pagpapanatili ng malawakang seguridad sa pamamagitan ng paglahok sa kauna-unahang tatlong araw na Interagency Exercise “Pagsasanay Lakas” noong Nobyembre 24-26, 2025 sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Sa unang araw, isinagawa ang ceremonial pinning ng official exercise patch sa 150 kalahok bilang simbolo ng kanilang pagkakaisa at kooperasyon sa buong pagsasanay.

Hindi maikakailang naging makabuluhan ang pagsasanay sapagkat mas naliwanagan ang bawat kalahok sa mahahalagang hakbang sa tamang pagpaplano, koordinasyon ng mga ahensya, at pagkilos upang tugunan ang mga bantang panseguridad sa bansa, kabilang na ang kasalukuyang paghahanda para sa nakatakdang Trillion Peso March sa Nobyembre 30.

Sa closing ceremony, binigyang-diin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang kahalagahan ng matibay na ugnayan—mula sa C3 (Command, Control, and Communications) structures hanggang sa paggamit ng reserve units—na kanilang natutunan sa pagsasanay para sa mga operasyong kinakailangan sa mas pinaigting na seguridad.

“Our C3 [Command, Control and Communications] structures, our ISR mechanisms, our rapid deployment concepts and joint information operations, as well as our doctrines, must converge if we are to respond effectively to crisis, calamity, or conflict. So, this is the first step that we did, and we learned a lot, I’m sure, from this exercise. We validated our coordinating mechanisms, strengthened our situational awareness, and examined how diplomatic, legal, environmental, and whole-of-government efforts can reinforce operational actions on the ground, in the air, and at sea,” ani Gen. Brawner.

Samantala, kinumpirma naman ni PCG Spokesperson Captain Noemie Guirao-Cayabyab na nakatakda ang pag-deploy ng kanilang ahensya ng 500 tauhan upang tumulong sa PNP sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa gaganaping mass rally sa Linggo. Titiyakin din ng ahensya ang pagbabantay sa mga sea assets sa Manila Bay sa parehong araw.

Source: https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/11/26/joint-afp-pnp-pcg-exercise-highlights-strengthened-interoperability-amid-security-challenges-1418