Relief at rescue operations, patuloy na isinasagawa ng PNP sa Negros Island

0
644

Patuloy na isinasakatuparan ng Philippine National Police (PNP) ang iba’t ibang relief at rescue operations para sa mga biktima ng Tropical Storm Verbena sa Negros Island.

Nito lamang Nobyembre 26, sinabi ni Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr., Acting PNP Chief, na hindi pa rin tumitigil ang kapulisan sa pagtulong sa mga residenteng nasalanta ng bagyo sa mga lalawigan sa Negros Island simula nang manalasa si Typhoon Verbena hanggang sa kasalukuyan.

“We mobilized and deployed as many of our personnel and all the available resources on the ground to assist all our countrymen — from evacuation and rescue operations to securing evacuation centers and assisting in disaster response,” saad pa niya.

Sa Bayawan City, Negros Oriental, nanguna ang Bayawan City Police Station sa pagrescue sa mga residenteng na-stranded sa kanilang mga kabahayan sa Sitio Plywood, Barangay Ubos, sanhi ng mabilis na pagtaas ng tubig baha sa lugar.

Gayundin ang mga kapulisan mula Guihulngan City at Pamplona sa Negros Oriental maging sa Hinigaran, Negros Occidental, na nanguna rin sa pagsiguro ng kaligtasan ng mga residente sa pamamagitan ng kanilang river monitoring, accounting of evacuees at sa paglikas ng mga apektadong residente.

Tuloy-tuloy din ang rescue at clearing operations na isinagawa ng Maritime Police sa Negros Occidental partikular na sa mga lubos na binahanf lugar gaya na lamang ng Purok Mars, Barangay Singcang Airport sa Bacolod City.

Binigyang diin naman ni PLtGen Nartatez ang mahalagang naidudulot ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng PNP at mga local governments maging sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at matiyak na silay malayo sa kapahamakan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Aniya, “Our operations continue to penetrate hard-to-reach areas due to floods and landslides. We are committed to bringing every stranded family to safety while maintaining order in evacuation centers and relief distribution sites.”

Sa kabila ng mga naging suliranin ng kapulisan sa pagsasagawa ng mga rescue operations, tulad ng lubog sa baha na mga kalsada, landslides at walang power supply, hindi pa rin natinag ang kapulisan na maghatid ng serbisyo sa mga nangangailangan.

“There were cases where residents initially refused evacuation. In events like this, our teams provide counseling and safety information, but we always remind the importance of safety,” dagdag pa ni PLtGen Nartatez.