Mahigit 16,000 pulis, nakatakdang i-deploy sa 3-day prayer rally —NCRPO

0
1516

Aabot sa 16,433 mga pulis ang nakatakdang i-deploy sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga raliyista sa Maynila para sa tatlong araw na prayer rally mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2025.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Major Hazel Asilo, nasa 8,541 ang bilang ng mga pulis mula sa Metro Manila habang ang humigit-kumulang 8,000 ay manggagaling sa mga augmentation forces mula sa mga kalapit na rehiyon tulad ng CALABARZON at Central Luzon.

“From November 16 to 18, we will be deploying 16,433 personnel. Aside from the Quirino Grandstand, there will also be a rally at the People Power Monument and at the EDSA Shrine. So INC (Iglesia Ni Cristo) will be at the Quirino Grandstand while the UPI (United Peoples Initiative) will be at the EDSA People Power Monument,” ani PMaj Asilo sa ginanap na press briefing noong Nobyembre 12 na ginanap sa Kampo Krame.

Binigyang-diin ng Spokesperson na ang mga nasabing pulis na idedeploy ay itatalaga upang tiyaking maayos na gaganapin ang mga rally sa Quirino Grandstand, People Power Monument, at EDSA Shrine.

Ilang araw pa bago ang nakatakdang mga rally ay puspusan na ang paghahanda ng mga kapulisan, gaya ng pagdalo sa mga inter-agency coordination meetings at pag-eehersisyo ng mga Civil Disturbance Management operations, upang siguruhing ligtas lahat ng mga dadalo at mapayapang matatapos ang religious gatherings.

Source: https://mb.com.ph/2025/11/12/ncrpo-over-16000-cops-to-secure-3-day-prayer-rallies-in-manila-qc