Tinatayang nasa Php13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng pulisya sa buy-bust operation sa Barangay Ilog-Malino, Bolinao, Pangasinan nito lamang ika-12 ng Nobyembre, 2025.
Kinilala ang mga suspek na isang 44-anyos na lalaki at 24-anyos na babae, kapwa residente ng Bolinao, Pangasinan at parehong High Value individuals.
Nakumpiska mula sa kanila ang humigit kumulang 2,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php13,600,000.
Ang PNP ay patuloy sa paggawa ng mga hakbang upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas o mga may banta sa kaayusan ng bawat komunidad.



