Dumalo si Police Brigadier General Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3, sa ginanap na pagbabasbas ng mga donasyong motorsiklo at bisikleta sa Aurora Police Provincial Office, Camp Captain Ravina, Barangay Sabang, Baler, Aurora, nito lamang Biyernes, ika-24 ng Oktubre 2025.

Kasama ni PBGen Peñones Jr. sa naturang aktibidad si Police Colonel Joey M. Torre, Acting Provincial Director ng Aurora PPO, na nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa PRO3 at sa mga nagkaloob ng donasyon. Ayon sa kanya, makatutulong nang malaki ang mga ito sa pagpapaigting ng police visibility, quick response, at community engagement sa iba’t ibang bayan ng Aurora, lalo na sa mga malalayong lugar.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen Peñones Jr. na ang mga donasyong motorsiklo at bisikleta ay sumisimbolo ng kahandaan at malasakit ng kapulisan sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

Tiniyak din ni PBGen Peñones Jr. na patuloy ang pagsisikap ng PRO3 na mapahusay ang mobility resources ng mga police stations upang mas maging epektibo sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.
Ang naturang aktibidad ay sumasalamin sa malasakit, pagkakaisa, at dedikasyon ng PNP sa pagpapatatag ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad, bilang bahagi ng layunin nitong mapalakas ang presensya ng kapulisan at mapalapit pa ang serbisyo sa mamamayan tungo sa isang ligtas, maunlad, at mapayapang pamayanan.
Panulat ni Pat. Mildred A. Tawagon

