Arestado ng Gandara PNP ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Attempted Murder sa Barangay Adela Heights, Gandara, Samar nito lamang Oktubre 16, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jonathan L Cuntapay, Officer-In-Charge ng Gandara Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Boy”, 37 anyos, construction worker at residente ng Barangay Boao, Gandara, Samar.
Naaresto ang suspek bandang 11:35 ng tanghali ng mga tauhan ng Gandara Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na Php72,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.



