Top 3 Municipal Most Wanted Person, arestado ng Catmon PNP sa paglabag ng RA 7610

0
851

Arestado ng Catmon PNP ang Top 3 Most Wanted Person sa Municipal Level na may kasong paglabag ng Republic Act 7610 sa Barangay Flores, Catmon, Cebu, noong ika-15 ng Oktubre 2025.

Ang suspek na naaresto ay kilala sa alyas na “Ronnel”, isang construction worker at residente ng nabanggit na lugar.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.

Ang pag-aresto kay “Ronnel” ay nagsisilbing matibay na patunay ng tuluy-tuloy na pagsisikap ng Cebu Police Provincial Office sa pagsubaybay sa mga wanted na tao, isang malinaw na mensahe na walang sinuman ang makakawala sa batas.