Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng PNP sa mga kalamidad, nagsagawa ang Iloilo City Police Office (ICPO) sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCol Kim P Legada, City Director ng isang Search and Rescue (SAR) Readiness Inspection sa limang police stations sa lungsod ng Iloilo nito lamang ika-15 ng Oktubre 2025.
Kabilang sa mga istasyong sinuri ang Iloilo City Police Station 6, 7, 8, 9, at 10.

Bawat istasyon ay nagsagawa ng masusing presentasyon ng kanilang Search and Rescue (SAR) equipment, kabilang ang mga communication devices, protective gear, at first aid kits.
Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang kahandaan ng bawat istasyon sa pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.
Nakatuon ito sa functionality at availability ng SAR equipment, communication systems, personnel readiness, at emergency response procedures.
Sa pamamagitan ng paggamit ng standardized checklists, sinuri ng inspection team ang kakayahan ng bawat istasyon upang matiyak na epektibo at maagap ang kanilang magiging pagtugon sa mga posibleng kalamidad at rescue operations.

Kasama rin sa mga sinuri ang printed copies ng PRO6 Natural Disaster Action Guide, pati na rin ang mga Grab-Go bags at ang mga laman nito, upang masiguro ang pagsunod sa itinakdang disaster preparedness standards.
Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na pagsisikap ng ICPO na palakasin ang kahandaan ng kapulisan sa anumang sitwasyong nangangailangan ng mabilis at maayos na operasyon ng search and rescue alinsunod sa isinusulong ng Philippine National Police na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.
Panulat ni Pat Juliebelle Alvior
Source: K5 News Iloilo FB Page



