Mobile Library ng RMFB 10, umarangkada sa Misamis Occidental

0
704

Umarangkada ang Mobile Library ng mga tauhan ng 1002nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10 (RMFB 10) sa Dullan Day Care Center, bayan ng Bonifacio, Misamis Occidental noong Sabado, Oktubre 11, 2025.

Pinangunahan ni PMSg Joepeth Lucas, ang naturang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Alvin M Tamayo, Company Commander.

Ayon kay PMaj Tamayo, ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng 1002nd MC RMFB 10 na magtanim ng mga mabuting halaga sa kabataan at palakasin ang kanilang partisipasyon bilang haligi ng kapayapaan, kaunlaran, at nation-building.

Naging masaya at makabuluhan ang aktibidad dahil sa mga interaktibong paraan ng pagtuturo na nagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral na magpursigi sa kanilang pag-aaral at umiwas sa masasamang impluwensya.

Layunin ng nasabing aktibidad na paigtingin ang interes ng mga kabataan sa pagbasa at pagkatuto, gayundin ang pagtatanim ng mga positibong asal tulad ng disiplina, pagmamahal sa bayan, at pagiging mabuting mamamayan.

Panulat ni Patrolwoman Rizza C Sajonia