Top 1 Station Most Wanted Person, arestado ng Parañaque City PNP sa kasong Sexual Assault

0
679

Arestado ng mga operatiba ng Parañaque City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Nicolas S. Piñon, Chief of Police, ang Top 1 Most Wanted Person sa Station Level na si alyas “Rolly,” 35 taong gulang, binata, construction worker, at residente ng Silverio Compound, Barangay San Isidro, Parañaque City nito lamang Sabado, Oktubre 11, 2025.

Ayon kay PCol Piñon, inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 2 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, na may itinakdang piyansang Php200,000.

Pinuri ni Police Brigadier General Randy Y. Arceo, Acting District Director ng Southern Police District, ang mga operatiba sa kanilang propesyonalismo at kahusayan sa operasyon. “Ang ganitong tagumpay ay nagpapakita ng aming buong pusong pagtupad sa tungkulin upang maihatid ang hustisya at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.”

Source: SPD PIO

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos