Naaresto ng mga otoridad ang Top 3 Most Wanted Person sa Municipal Level sa ikinasang operasyon sa Barangay Santiago ng Concepcion, Tarlac nito lamang Biyernes ika-10 ng Oktubre 2025.
Kinilala ni Police Colonel Franklin P Estoro, Acting Provincial Director ng Tarlac Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Nicolas, 53 anyos, kasal, at residente ng nasabing barangay.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Concepcion Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Regional Intelligence Division 3 – Intelligence Operations Section (RID3-IOS), Tarlac Provincial Intelligence Unit (PIU), at Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Ang suspek ay inaresto sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315, paragraph 2 (a) ng Revised Penal Code (RPC) na inamyendahan ng Republic Act 10951.
Ang matagumpay na pag-aresto ay bahagi ng tuloy-tuloy na kampanya ng Police Regional Office 3 laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang katahimikan at seguridad sa mga komunidad ng Gitnang Luzon.
Panulat ni Patrolwoman Digna Jane Tenorio Malubay



