Arestado ng Silang PNP ang Rank 4 Most Wanted Person sa Regional Level sa Barangay Kaong, Silang, Cavite, September 15, 2025.
Kinilala ni PLtCol Louie DC Gonzaga, hepe ng Silang Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Luloy”, kasalukuyang naninirahan sa Barangay Kaong, Silang, Cavite.
Ang operasyon ay isinagawa ng Warrant Personnel ng Silang MPS para sa kasong Murder (RPC Art. 248) na walang nirerekomendang piyansa.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Police Colonel Ariel R Red, Acting Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, “Ang mabilis na pagtugon at aksyon ng ating kapulisan sa pagpapatupad ng Warrant of Arrest ay patunay ng ating dedikasyon na mapanatili ang katahimikan at seguridad sa buong Cavite.”
Hindi titigil ang buong hanay ng kapulisan upang mapanagot ang lahat ng nagtatago sa batas at tuluyang masupil ang lahat ng uri ng kriminalidad.



