Nasabat ang Php2.7 milyong halaga ng shabu mula sa naarestong dalawang indibidwal sa isinagawang Checkpoint Operation ng mga tauhan ng Aguak Municipal Police Station sa National Highway ng Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nito lamang ika-14 ng Setyembre 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Jayzen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, ang mga suspek na sina alyas “Bong at alyas “Fang”, pawang nasa wastong gulang.
Dumaan sa pagsusuri ng naturang checkpoint ng pulisya ang isang sasakyang Morris Garages na lulan ang mga suspek at doon nadiskubre ng mga pulis ang walong malalaking sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 408 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php2,700,000.
Muling pinagtitibay ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region sa pamumuno ni PBGen De Guzman, ang kanilang dedikasyon sa mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga at nananawagan sa publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui



