Nanguna sa Search at Retrieval Operations ang mga tauhan ng Kalinga PNP at iba pang ahensya ng gobyerno kasunod ng isang landslide sa Brookside, Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga nito lamang hapon ng Setyembre 3, 2025.
Ang insidente ay nirespondehan ng mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, sa pangunguna ni Police Major Dominic L. Rosario, Acting Force Commander, kasama ang mga tauhan ng Tabuk City Police Station (CPS), Special Action Force (SAF), Bureau of Fire Protection (BFP), Provincial/City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC), at mga boluntaryong sibilyan.

Natagpuan ang 17 taong gulang na lalaking estudyante bandang 8:00 ng gabi at agad na dinala sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay nasa loob ng kanyang kuwarto nang mangyari ang landslide dulot ng malakas na pag-ulan bunsod ng Southwest Monsoon (Habagat).
Ang mabilisang hakbang ng Kalinga PNP ay patunay sa dedikasyon at katatagan ng Pambansang Pulisya na handang maglingkod upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa gitna ng unos at kalamidad.



