Nakiisa ang mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station upang pagtibayin ang ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa isinagawang “Barangayan sa Bamban: A Caravan of Services” na ginanap sa Covered Court ng Barangay San Nicolas Poblacion, Bamban, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-29 ng Agosto 2025.
Ang nasabing programa ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Bamban sa pamumuno ni Hon. Jose Mallari Salting Jr., Municipal Mayor, na dinaluhan ng daan-daang residente at may layuning mailapit sa mga ito ang iba’t ibang serbisyong pampubliko.
Isa sa mga pangunahing serbisyo na inialok ng kapulisan ay ang online assistance para sa aplikasyon ng National Police Clearance, na malaking tulong sa mga residente na nangangailangan ng dokumentong ito para sa iba’t ibang legal at administratibong transaksyon.
Bukod sa PNP, nakiisa rin sa caravan ang iba’t ibang tanggapan tulad ng Legal Office, Municipal Social Welfare and Development (MSWD), Philippine Identification System (PhilSys), Engineering Office, Treasury Office, Local Civil Registrar, Municipal Health Office (MHO), MENRO, MDRRMO, Assessor’s Office, at Bureau of Fire Protection (BFP), na nagbigay ng kani-kanilang mga serbisyo.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng adbokasiyang Community and Service-Oriented Policing, kung saan ang pagbibigay ng mabilis at maaasahang serbisyo sa publiko ay pangunahing layunin.
Naging matagumpay ang naturang aktibidad na dinaluhan ng daan-daang residente, patunay ng matibay na pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at ng iba pang ahensya para sa kapakanan ng mamamayan.



