Lasing na nahulog sa bangin, nirescue ng Lagawe PNP at BFP

0
751

Agad na nirescue ng mga tauhan ng Lagawe Municipal Police Station kasama ang Bureau of Fire Protection ang isang lalaking lasing na nahulog sa gilid ng Bayyucan sa Tungngod, Lagawe, Ifugao nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.

Ayon kay Police Lieutenant Federico B Dulnuan, Deputy Chief of Police for Operations ng Lagawe MPS, nakatanggap ng ulat ang Lagawe hinggil sa umanoy isang lalaking lasing na nahulog sa nasabing lugar dahilan upang agad na magsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Lagawe PNP at BFP.

Nadatnan ng mga rescuers ang nasabing lasing at tulong-tulong na iniahon kasama ang mga Barangay Kagawad at iba pang volunteers upang suriin ang mga natamong minor na sugat.

Matapos masigurong ligtas ang nahulog, agad na dinala ng mga awtoridad sa Ifugao General Hospital para sa wastong medikal na paggamot.

Ang mabilis na hakbang ng Lagawe PNP ay sumasalamin sa hindi matitinag na pangako ng Pulisya katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa komunidad.

Muli namang nagpaalala ang Pambansang Pulisya na mag-ingat, huwag magmaneho o lumabas ng bahay kapag nasa impluwensya ng alak upang maiwasan ang kaparehong insidente.