Php101K halaga ng shabu, nasabat ng Abucay PNP; 2 suspek, arestado

0
707

Nasabat ang tinatayang Php101,048 halaga ng shabu mula sa dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Abucay Municipal Police Station’s Drug Enforcement Unit sa Barangay Mabatang, Abucay, Bataan nito lamang Huwebes, ika-28 ng Agosto, 2025.

Sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Abucay MPS sa ilalim ng pamumuno ni Police Major John They A Cutab, Officer-in-Charge ang dalawang suspek at nasamsam ang tinatayang 14.86 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php101,048 at iba pang non-drug items.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.

Muling nanawagan ang ating kapulisan sa mga indibidwal na sangkot pa rin sa iligal na droga na itigil na ang kanilang gawain at piliin ang daan ng pagbabago. Sapagkat, hindi titigil ang mga tauhan ng Bataan PNP hangga’t hindi napapanagot sa batas ang lahat ng mga sangkot sa naturang gawain.

Panulat ni Pat Digna Jane Tenorio Malubay