Isinagawa ang Unity Walk, Interfaith Rally, and Peace Covenant Signing kaugnay sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-26 ng Agosto 2025.

Ito ay personal na dinaluhan ni Police Brigadier General Jayzen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, katuwang ang Philippine Army, Bureau of Fire Protection, Philippine Marines at Local Government Unit ng naturang lalawigan.

Dinaluhan din ito ng mga opisyal ng barangay, mga kandidato, religious leaders, at iba pang stakeholders na nagkaisa upang itaguyod ang isang mapayapa, maayos, at patas na halalan.
Ang isinagawang Unity Walk ay sumasalamin sa pagkakaisa para sa ligtas at tapat na eleksyon, habang ang Interfaith Rally ay isang panawagan mula sa mga lider ng pananampalataya para sa kapayapaan.
Samantala, ang Peace Covenant Signing ay nilagdaan ng mga kandidato ang kasunduang igalang ang batas at tiyakin ang maayos na proseso ng eleksyon.

Kasabay nito ang pagpapalipad ng mga kalapati na sumisimbolo sa Kapayapaan, Pagkakaisa, Pag-asa at Bagong simula.
Ipinakikita ng inisyatibang ito ang dedikasyon ng mga kapulisan sa pamumuno ni PBGen De Guzman at iba pang katuwang na ahensya sa pagpapanatili ng integridad at seguridad ng halalan, ito ay mahalagang hakbang para sa pagkamit ng mapayapa at maunlad na komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui



