Arestado ng Tacurong PNP ang isang Street Level Individual sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok Dahlia, Barangay D. Ledesma, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang ika-26 ng Agosto 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jardi Mont A Sibal, Hepe ng Tacurong City Police Station, ang suspek na si alyas “Dats Abas” 34 anyos, tricycle driver at residente ng Lambayong, Sultan Kudarat na tinaguriang Street Level Individual.
Bandang 7:49 ng gabi isinagawa ng mga tauhan ng Tacurong CPS ang buy-bust operation kung saan nakumpiska mula sa suspek ang kabuuang 49.65 na gramo ng hinihinalaang shabu at may Standard Drug Price na Php337,620 at iba pang non-drug items.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Samantala, patuloy ang Tacurong PNP sa mga operasyon upang masugpo ang bentahan ng illegal na droga sa siyudad. Hindi titigil ang pulisya sa kampanya laban dito para sa ligtas, maayos at drug-free na siyudad.
Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales



