Arestado ang isang pasahero patungong Siargao matapos mahulihan ng Php408,000 halaga ng iligal na droga sa isinagawang random paneling inspection sa Philippine Ports Authority, Poblacion, Dapa, Surigao del Norte bandang 10:00 ng umaga nito lamang Agosto 27, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nel,” 37-anyos, residente ng Barangay Espina, Surigao City, Surigao del Norte.
Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu, 1.6 gramo ng marijuana, Php41,500 cash, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Inihanda ang kaso laban sa suspek sa ilalim ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Dapa Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 13, at Philippine Coast Guard.
“We will continue to strengthen our campaign against illegal drugs, ensuring a faster and more aggressive response against those who persist in destroying lives and communities,” pahayag ni PBGen Marcial Mariano P. Magistrado IV, Regional Director ng Police Regional Office 13.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin



