Tagudin MPS, nakiisa sa Bloodletting Activity sa Vigan City

0
740

Nakiisa ang mga tauhan ng Tagudin Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang Bloodeltting Activity na pinangunahan ng DWRS Commando Radio at Ilocos Sur Provincial Hospital – Gabriela Silang nitong Agosto 23, 2025, sa DWRS Grounds, Barangay Tamag, Vigan City, Ilocos Sur.

Layunin ng naturang programa na makalikom ng sapat na supply ng dugo upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan, lalo na sa oras ng kagipitan at emerhensiya.

Ipinakita rin dito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng komunidad para sa kapakanan ng mas nakararami.

Ayon sa Tagudin MPS, ang kanilang pakikiisa sa ganitong mga aktibidad ay patunay ng kanilang malasakit at dedikasyon hindi lamang sa seguridad, kundi maging sa kalusugan at kapakanan ng publiko.

Ang matagumpay na bloodletting activity ay nagsilbing inspirasyon upang hikayatin ang iba pang mamamayan na magbigay ng dugo, na isang simpleng paraan ngunit napakalaking tulong upang makapagligtas ng buhay.

Source: Tagudin MPS

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan