Drug suspect, arestado sa buy-bust sa Naga City; higit Php300K halaga ng shabu, nakumpiska

0
1022

Arestado ng nga awtoridad ang isang 70-anyos na lalaki na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa isang matagumpay na buy-bust operation sa Barangay Sta. Cruz, Naga City noong Hulyo 30, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Nonong,” na residente ng Zone 2, Tapaz Compound, Barangay Balatas ng nasabing lungsod.

Ayon kay PCol Gilbert P Fariñas, OIC, NCPO, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit, katuwang ang Police Station 1 sa ilalim ng Naga City Police Office.

Nasukol si Nonong matapos nitong bentahan ng iligal na droga ang isang undercover operative.

Narekober mula sa suspek ang 21 heat-sealed na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 45 gramo at may Standard Drug Price na Php306,000.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Source: PNP Kasurog Bicol

Panulat ni PSSg Mercolito P Lovendino Jr