Nakahanda na ang mga miyembro ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) na naka-base sa National Headquarters sa Kampo Krame sa posibleng deployment kasunod ng malawakang pagbaha sa kaMaynilaan at kalapit lungsod dulot ng Hanging Habagat.
Ito ang siniguro ni Police Brigadier General Adolfo T Rafanan, RSSF Commander, nang pinatawag lahat ng mga tropang kasali sa 3rd Quarter RSSF para sa accounting at information dissemination ngayong 8:00 ng umaga, ika-22 ng Hulyo 2025 sa PNP Grandstand, Camp Crame, Quezon City.
Sa kabuuan, nasa 218 miyembro ng RSSF ang nakadalo sa physical accounting at inabisuhang palaging nakaantabay sa anumang posibleng tawag para maghatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Pinapahanda rin ang mga kagamitang kakailanganin sakaling madeploy tulad ng PNP Search and Rescue Blue Box.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagkilos ng Pambansang Pulisya upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan at komunidad, lalo na sa mga lugar na apektado ng masamang panahon.



