NCRPO, nagdeploy ng mga tauhan para sa evacuation at rescue operations para sa mga biktima ng bagyong crising at habagat

0
1201

Puspusan ang pagtugon sa kalamidad ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director, upang tumulong sa isinasagawang force evacuation at posibleng search and rescue operations katuwang ang iba’t ibang Disaster Risk Reduction and Management Office sa Metro Manila.

Nakiisa ang kapulisan sa paglikas ng mga residente, pagbibigay ng seguridad sa evacuation centers, pag-aayos ng trapiko, at pagpapanatili ng kaayusan sa mga binahang lugar.

May mga naka-standby ring rescue vehicles, rubber boats, at first aid teams bilang bahagi ng kahandaan ng NCRPO sa ganitong mga sitwasyon.

Patuloy ang full alert status ng NCRPO at mahigpit ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang masigurong ligtas ang ating mga kababayan, lalo na ang nasa mga mabababang lugar at apektado ng baha.

Nag deploy din ang mga District Offices ng NCRPO ng mga trained search and rescue teams na may dalang life-saving equipment sa mga kritikal na lugar.

Muling nananawagan ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad, sumunod sa evacuation advisories, at agad na i-report ang anumang emergency sa mga opisyal na hotline.

Sa kabila ng unos, patuloy ang PNP sa pagbibigay ng tapat at mabilis na serbisyo para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat mamamayan.

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos