Abra PNP, nakiisa sa pamamahagi ng tulong sa 67 pamilyang apektado ng Bagyong Crising

0
836

Nakiisa ang mga tauhan ng Abra Police Provincial Office sa isinagawang relief operations sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Crising sa Sagap Elementary School, Barangay Sagap, Bangued, Abra, nito lamang Hulyo 19, 2025.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Daniel Pel-ey, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit ng Abra PPO, kaisa ng Abra PNP sa operasyon ang Lokal na Pamahalaan ng Bangued sa pamumuno ni Mayor Perfecto Cardenas, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Vice Governor Anne Bersamin, mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Bangued Municipal Police Station.

Umabot sa kabuuang 67 pamilya na apektado ng Bagyong Crising ang nakatanggap ng tulong sa nasabing operasyon.

Layunin ng operasyon na maibsan ang paghihirap ng mga residenteng nawalan ng kabuhayan at ari-arian dahil sa pananalasa ng bagyong Crising.

Ang nasabing agarang pagtugon ng Abra PNP katuwang ang iba pang sangay ng Gobyerno ay patunay sa dedikasyon sa serbisyo Publiko, malasakit sa mga apektado ng sakuna, at pagsasapuso sa pagpapatupad sa sinumpaang tungkulin sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat mamamayan sa Bagong Pilipinas.