Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Attempted Murder sa Barangay Gebulwangan, Catarman, Northern Samar nito lamang ika-17 ng Hulyo 2025.
Kinilala ni Police Captain Solomon A Agayso, Officer-In-Charge ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang suspek na si alyas “Gege”, 51 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Gebulwangan, Catarman, Northern Samar.
Bandang 3:00 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company at Catarman Municipal Police Station sa bisa ng bench warrant para sa kasong Attempted Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas at mapanatiling ligtas ang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian



