Wanted Person, arestado sa kasong Rape sa Zamboanga del Sur

0
310

Naaresto ng mga operatiba ng Margosatubig Municipal Police Station ang lalaking Most Wanted Person dahil sa kasong Statutory Rape noong Hunyo 24, 2025 sa Purok Santan, Barangay Poblacion Margosatubig, Zamboanga del Sur.

Kinilala ni Police Major Anselmo Geric P Villanueva, Chief of Police ng Margosatubig MPS, ang suspek na si alyas “Ivan”, 22 taong gulang, single, at residente ng Purok San Jose, Barangay Maguikay Aurora, Zamboanga del Sur.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

Panulat ni Pat Joyce Franco