Isang indibidwal, arestado sa buy-bust sa Bataraza, Palawan

0
275

Arestado ang isang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng Bataraza Municipal Police Station sa Barangay Marangas, Bataraza, Palawan nito lamang ika-23 ng Hunyo 2025.

Kinilala ni Police Major Raffy C Esperida, Acting Chief of Police ng Bataraza MPS, ang naarestong drug suspek na si alyas “Dodoy”, 27 anyos at residente ng Barangay Marangas, Bataraza, Palawan.

Hinuli ng mga operatiba ang suspek matapos mabilhan ng isang pakete ng shabu kapalit ng Php1,500 na markadong pera, nakuha sa suspek ang pera na ginamit sa operasyon ganun din ang cellphone at isang unit ng motor.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.

Naisakatuparan ang operasyon katuwang ang PDEU-Palawan at iba pang Law Enforcement Unit sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office.

Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga para sa mas ligtas at maayos na lipunan sa bagong Pilipinas.

Source: Thunder News Philippines

Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadana