Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 5 City Most Wanted Person na may kasong Frustrated Murder sa Barangay 91 Abucay, Tacloban City nito lamang ika-23 ng Hunyo 2025.
Kinilala ni Police Major Shenna S Layog, Station Commander ng Tacloban City Police Station 2, ang suspek na si alyas “Allan”, 50 anyos at residente ng Barangay 49 Young field, Tacloban City.
Bandang 1:15 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 2 kasama ang Palo Municipal Police Station at Regional Maritime Unit sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php120,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian



