Taxi Driver, arestado sa buy-bust sa Panabo; shabu, baril at bala, nakumpiska

0
446

Arestado ang isang taxi driver na kinilalang si alyas Nel, 43 taong gulang, sa isinagawang buy-bust operation ng Panabo City Police Station dakong alas-12:13 ng madaling araw ngayong Hunyo 24, 2025, sa Purok 2, Barangay Malativas, Panabo City.

Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang humigit kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang Php81,600, buy-bust money, isang (1) unit ng ARMSCOR cal .45 na baril, isang (1) magasin ng cal. 45 na may limang (5) bala, isang (1) metal canister, at isang (1) itim na sling bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at karagdagang kaso ng Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang pinaigting pa ang kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod.