RD, PRO 4A, pinangunahan ang pagbubukas ng 5-Day Disaster Preparedness and Search, Rescue and Retrieval Operations Seminar

0
412

Pinangunahan ni Police Brigadier General Jack L. Wanky, Acting Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON, ang Opening Ceremony ng 5-Day Disaster Preparedness and Search, Rescue and Retrieval Operations Seminar na ginanap sa PRO 4A Covered Court, Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City, Laguna nito lamang Hunyo 23, 2025.

Kabuuang 104 na kalahok mula sa iba’t ibang Police Provincial Offices at Regional Mobile Force Battalion 4A, na binubuo ng 13 koponan, ang lumahok sa nasabing pagsasanay upang higit pang patatagin ang kanilang kakayahan at kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang uri ng kalamidad.

Layunin ng seminar na ito na bigyang-kaalaman at sanayin ang ating mga kapulisan sa mga makabagong pamamaraan at tamang hakbang sa disaster preparedness, at search, rescue, at retrieval operations.

Sa pamamagitan nito, masisiguro natin ang mabilis, organisado, at epektibong pagtugon sa mga insidente ng kalamidad at emerhensiya para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Ang ganitong inisyatibo ng PRO CALABARZON ay patunay na patuloy ang dedikasyon sa pagpapalakas ng kapasidad ng ating mga frontline responders at sa pagbibigay ng mas maayos at maaasahang serbisyo publiko sa panahon ng krisis.