Arestado ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Polangui Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Albay PPO, ODRDO-RPDEU5, 1st Albay PMFC, at PDEA Team Albay sa Polangui, Albay, noong Hunyo 21, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Henry A Red, Chief of Police ng Polangui MPS, ang suspek na si alyas “Bata,” 33 taong gulang, at residente ng Lungsod ng Legazpi. Siya ay kabilang sa Regional Recalibrated Priority Database sa ilalim ng COPLAN MESCALINE.
Sa nasabing operasyon, nakabili ang poseur buyer ng 2.5 gramo ng hinihinalang shabu kapalit ng halagang Php5,000, na binubuo ng isang tunay na Php1,000 bill at apat (4) na pirasong boodle money. Sa isinagawang body search, narekober pa ang walong (8) karagdagang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na 17.5 gramo na nagkakahalaga ng Php119,000.
Pinuri naman ni Police Colonel Julius Cubos Añonuevo, Provincial Director ng Albay Police Provincial Office, ang mabilis at maayos na koordinasyon ng mga operatiba, at muling tiniyak ang pagtutok ng PNP sa pagpuksa sa ilegal na droga sa lalawigan.
Source: Albay PPO Facebook Page



