7 Kilo ng tuyong dahon ng marijuana, nasamsam sa Zamboanga City

0
265

Nasamsam ang pitong kilo ng tuyong dahon ng marijuana sa ikinasang operasyon ng mga otoridad mula sa dalawang suspek sa Sitio Kilometer 6, Barangay Pasonanca, Zamboanga City bandang 11:40 ng gabi noong Hunyo 20, 2025.

Kinilala ni Police Brigadier General Roel C Rodolfo Regional Director ng Police Regional Office 9, ang mga suspek na sina alyas “Lim”, 19 anyos, estudyante at residente ng Suterville, San Jose Gusu, Zamboanga City; at si “Arthur”, 23 taong gulang, mekaniko at residente ng Luyahan, Zamboanga City.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 10 piraso ng tubular form na may lamang pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana (buy-bust evidence), apat (4) na piraso ng tubular form na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana (possession evidence) na may kabuuang timbang na pitong (7) kilo at may tinatayang halaga na Php840,000, isang (1) piraso ng genuine Php1,000 bill na may serial no. JRR730563 (buy-bust money), isang (1) bundle na binubuo ng 99 piraso ng Php1,000 na boodle money na may parehong serial no. UV287099, dalawang (2) karton na ginamit na lalagyan ng marijuana, isang (1) motorsiklo na Yamaha Mio, kulay puti na may plakang JA45201.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng Regional Drug Enforcement Unit 9, Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga City Field Unit, 904th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 955th SAC-5th SAB, at Zamboanga City Police Station 7.

Patuloy ang PNP sa pagsugpo sa anumang uri ng iligal na aktibidad at anumang uri ng kriminalidad tungo sa pagkamit ng isang maayos at maunlad na komunidad.

Panulat ni Pat Joyce Franco