Arestado ang isang newly identified drug suspect sa ikinasang joint buy-bust operation ng Kalilangan MPS katuwang ang Bukidnon-PIU, RMFB 10 1004th Coy 2nd PB, at PDEA nito lamang ika-20 ng Hunyo 2025 sa Purok 1, Barangay Kinura, Kalilangan, Bukidnon.
Kinilala ni Police Captain Romeo M Arcilla Jr., Officer-In-Charge ng Kalilangan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Dodo”, 43 taong gulang, may kinakasama, isang taxi driver at residente ng Terry Hills Subdivision, Bulua, Cagayan de Oro City.
Nasamsam mula sa suspek ang 12.5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na humigit-kumulang Php85,000, isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga non-drug items.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan sa buong lalawigan ng Bukidnon.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia



