Milyon-milyong halaga ng marijuana ang nadiskubre ng Benguet PNP sa isinagawang marijuana eradication sa A-os, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-26 ng Abril 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan sa pangunguna ng mga tauhan ng Kibungan MPS kasama ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet PPO, Regional Intelligence Division, RIU-14 at PDEA-CAR.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may 10,000 gramo ng dried marijuana stalks with fruiting tops at may tanim na humigit kumulang 350 piraso ng fully grown marijuana plants.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nasabing nadiskubre na halaman ng marijuana ay binunot at sinunog sa lugar habang ang sapat na sample ay dinala upang isumite sa Benguet PFU-Cordillera para sa qualitative test.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at sinisiguro naman na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga, gayundin upang matuldukan ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni PSSg JudeTasing