Php680K halaga ng shabu at mga baril, nasabat 

0
666

Nasabat ang tinatayang Php680,000 halaga ng shabu sa apat na indibidawal sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindanao del Sur noong ika-12 ng Abril 2024.

Kinilala ni Police Major Limuel June M Sigua, Chief, PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 15, ang mga suspek na sina alyas “Datu”, alyas “Sau”, alyas “Kadafy” at alyas “Saudi”.

Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa mga suspek sa pangunguna ng mga tauhan ng PNP DEG SOU-15 katuwang ang Maguindanao del Sur Provincial Investigation Unit, Ampatuan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit MDSPPO at Regional Drug Enforcement Unit BAR na may koordinasyon sa Integrity Monitoring and Enforcement Group, Regional Investigation Unit BAR at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang heat-sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php680,000; isang tricycle Kawasaki Bajaj; isang Honda XRM; 22 Fire Cartridge caliber high powered firearms; apat na bala; at iba pang non-drug evidence.

Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang mga kampanya kontra kriminalidad, ilegal na droga at paghuli sa mga wanted person upang makamit ang ligtas, tahimik at maunlad na pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya