Php204K halaga ng shabu, nasakote 

0
282

Nasakote ang nasa tinatayang Php204,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Palao, Iligan City nito lamang ika-12 ng Abril 2024.

Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng City Drug Enforcement Unit katuwang ang Iligan City Police Station 5 at Philippine Drug Enforcement Agency 10 na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Mohaimen”, 29, may asawa at residente ng Barangay Hinaplanon, Iligan City.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na piraso ng large size heat sealed transparent plastic sachets at 2 piraso ng medium size heat sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na may street value na Php204,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinisiguro naman ng mga kapulisan na mas paiigtingin pa nila ang pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad laban sa ilegal na droga alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Panulat ni Pat Reena Celestine E Sendrijas