Nagsagawa ng Enhanced Monitoring of Police Overall Wellness (EMPOW) Program 2024 ang Regional Medical Dental Unit 13 para sa mga tauhan ng Surigao del Norte PNP na ginanap sa Old PC Building SDN PPO, Surigao City, nito lamang Abril 11, 2024.

Nasa 221 na tauhan ng Surigao del Norte PNP na may edad 40 taong gulang pataas ang naging benepisyaryo ng nasabing programa kung saan pinangunahan ito ni Police Colonel Laudemer M. Laude, Provincial Director, Surigao del Norte Police Provincial Office.
Kabilang sa inihandog na serbisyo ay ang dental profiling, mental health awareness at konsultasyon, nutrition counseling, at medical consultation.

Patuloy naman ang Regional Medical and Dental Unit 13 sa pagsasagawa ng serbisyong pangkalusugan para sa mga kapulisan ng Surigao PPO bilang pagbibigay halaga sa kanilang physical at mental health upang patuloy silang maging epektibo sa pagpapatupad ng kanilang mga sinumpaang tungkulin.
Panulat ni Pat Karen A Mallillin



