Nagsagawa ng drug awareness lecture at feeding program ang mga tauhan ng Valley Cops sa mga mag-aaral ng Buntun Elementary School sa Barangay Buntun, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.

Nasa 400 na mag-aaral, mga guro at magulang ang naging benepisyaryo sa hatid na programa ng kapulisan na kanilang lubos na pinagpapasalamat.

Naging matagumpay ang programa sa pakikiisa ng mga tauhan ng Regional Finance Service Office 2, Regional Medical and Dental Unit 2, Regional Police Protection and Security Unit 2, Tuguegarao Component City Police Station at Regional Police Community Affairs and Development Unit 2.

Ang inisyatibong ito ng kapulisan ay bilang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga, at ang bawat sektor ng lipunan ay dapat magtulungan sa pamamagitan ng maagang interbensyon at edukasyon sa mga paaralan, mga kampanya sa kamalayan, at mga solusyon at inisyatibo na nakabatay sa komunidad,
Source: Tuguegarao Component City
Panulat ni Pat Richelle Ledesma



