Top 6 Municipal Most Wanted Person, arestado ng Sta. Barbara PNP sa kasong Homicide

0
395

Arestado ng Sta. Barbara PNP ang Top 6 Most Wanted Person na may kasong Homicide sa Sta. Barbara, Pangasinan nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jun M Wacnag, hepe ng Sta. Barbara Municipal Police Station, ang suspek na si Michael Fernandez De Guzman, 32 anyos, residente ng Barangay Leet, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon kay PLtCol Wacnag, bandang 9:10 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Homicide na may rekomendadong piyansa na Php120,000.

Ang PNP ay kaisa sa programa at direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpapatibay ng isang whole-of-nation approach sa pagtugon sa kriminalidad, at pagtiyak ng kapayapaan at seguridad sa bansa.

Source: Sta. Barbara MPS

Panulat ni Patrolwoman Aileen Arvie E Eustaquio