Mandaue City – Matagumpay na idinaos ang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) at Firearms Registration Caravan na ginanap sa Mandaue City Cultural and Sport Complex nito lamang Setyembre 13, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Mandaue City Police Office sa pangangasiwa ni Police Colonel Maribel Getigan, Acting City Director sa pakikipag-ugnayan sa Regional Civil Security Unit 7 na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Cirilo Acosta Jr.
Handog sa naturang Caravan ang LTOPF Online Assistance, Neuro-Psychiatric Examination, Drug Test Examination at Gun Safety Seminar para sa mga kababayan nating magpaparenew at magrerehistro ng kanilang mga baril.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mamamayan lalong-lalo na ang mga kandidato at elected Barangay Official na kanilang iparehistro ang mga nag-expire na baril upang magkaroon ng mga legal na dokumentong panghahawakan at hindi malagay sa alanganin sa anumang oras lalo na kung sakaling ito ay gagamiting pandepensa sa sarili.



