DILG Secretary bumisita sa Police Regional Office BAR

0
636

Maguindanao del Norte – Bumisita ang butihing Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Atty. Benjamin Abalos Jr., kasama ang Acting Deputy Chief, PNP for Administration na si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, upang personal na masaksihan ang kasalukuyang Recruitment and Selection Process ng 2nd batch mula sa mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Leberation Front (MNLF) sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-13 ng Setyembre 2023.

Mainit na sinalubong ng pamunuan ng Police Regional Office Bangsamoro Autononous Region sa isinagawang Foyer Honors sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Allan Cruz Nobleza, Regional Director, PRO BAR ang pagbisita ng dalawang matataas na lider ng DILG at PNP.

Personal ding nasaksihan ang kasalukuyang Physical Agility Test ng mga aplikante kabilang dito ang push-ups, sit-ups, at 3-kilometer run.

Samantala, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sina Sec. Abalos at PLtGen Sermonia sa pagtalima ng buong hanay ng PRO BAR sa lahat ng programa ng DILG at PNP tungo sa pagkamit ng kaunlaran ng ating bayan.

Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia