26 anyos na lalaki at isang menor-de-edad, tiklo sa drug bust sa Molo, Iloilo City

0
758

Arestado ang dalawang kalalakihan kabilang ang isang menor-de-edad sa inilunsad na anti-illegal drug operation ng pulisya sa Zone 6, Brgy. Boulevard, Molo, Iloilo City, bandang alas-10:00 ng gabi, Setyembre 13, 2023.

Kinilala ang mga nadakip na sina alyas “Joever”, 26, at ang isang 16 anyos na lalaki, parehong residente ng nasabing lugar at pawang mga Newly Identified Street Level Individuals.

Ang nasabing buy-bust ay inilunsad ng mga operatiba ng Iloilo City Police Station 4 sa pangunguna ni Police Major Marlyn Roquero, Officer-In-Charge. 

Nakuha sa nasabing operasyon ang 49 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakalaga ng Php333,200.

Narekober din ang Php14,000 na ginamit bilang buy-bust money at ilang mga non-drug items.

Ayon kay Police Major Roquero, ang naarestong menor-de-edad ay nagsilbing runner ng subject person na si Selorio.

Ayon pa kay PMaj Roquero, halos tatlong linggo nilang minanmanan ang subject person bago ang operasyon. 

Nasa kustodiya na ng ICPS4 ang mga naarestong drug suspek para sa tamang disposisyon.

Ang Iloilo City PNP ay patuloy  sa pagsugpo sa ilegal na droga upang mapigilan ang pagkalat nito sa siyudad at maiwasan na masangkot ang mga kabataan sa ganitong mga aktibidad.