Inaresto ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang walong suspek habang pinatigil naman ang operasyon ng illegal mining sa Jose Panganiban, Camarines Norte nito lamang January 14, 2026.
Isinagawa ang naturang operasyon dakong alas 3:30 ng hapon sa Barangay Luklukan Sur ng nasabing lungsod sa pinagsanib na pwersa ng NBI katuwang ang Mines and Geosciences Bureau (MGB), at ang Jose Panganiban Municipal Police Station kung saan nakumpiska ang ilang mga heavy equipment at suspected gold ore mula sa mga suspek.
Ayon sa inisyal na ulat, nahuli umano ang mga suspek sa akto na nagsasagawa ng illegal mining ng walang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at MGB.
Kabilang sa mga nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang air compressors, maging ng tinatayang 50 tons ng hinihinalang gold ore, isang generator set, isang centrifugal pressure fan, at isang capacitor start motor.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7942, o ang “Philippine Mining Act of 1995”, pati na rin sa Republic Act 7076, na nagbabawal sa mga small-scale mining activities.
Pinuri naman ni PLtGen Nartatez ang matagumpay na pagtutulungan ng PNP at NBI upang tuldukan ang nasabing iligal na aktibidad na tiyak na nakakasama sa kapaligiran maging sa kaligtasan ng ating mga komunidad.
Aniya, “This operation shows what we can achieve when agencies work closely together and act on solid intelligence. Illegal mining destroys our environment and puts lives at risk. We will continue to support operations like this to make sure those who profit from these illegal activities are held accountable.”
“Siguraduhin naming ligtas ang operasyon, naipapatupad ang batas nang patas, at nararamdaman ng publiko ang presensya ng pulis,” he added. “Hindi po tayo titigil sa ganitong mga operasyon,” dagdag pa niya.
Tiniyak naman ng pulisya na magpapatuloy ang parehong mga operasyon sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para mapangalagaan ang kapaligiran at ang buong sambayanang Pilipino.



