469 indibidwal, arestado ng PRO7 sa loob ng tatlong araw na SACLEO operation

0
151
Screenshot

Tinatayang umabot sa 469 indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office 7 (PRO7) sa tatlong araw nitong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa iba’t ibang bahagi ng Central Visayas simula noong August 14 hanggang August 17, 2026.

Isinakatuparan ang naturang mga operasyon ng mga yunit ng PRO7 bilang bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga, loose firearms, illegal gambling, at iba pang uri ng kriminalidad.

Sa kampanya kontra ilegal na droga, naaresto ng pulisya ang nasa 186 indibidwal habang narekober ang nasa 600 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php4,280,988.00, ayon sa Standard Drug Price.

Nagresulta naman sa pagkakahuli ng 24 indibidwal ang kampanya ng PRO7 kontra loose firearms at sa pagkakarekober ng 63 na baril.

Samantala, sa Oplan Katok naman nakarekober ang PRO7 ng 14 firearms na mayroong non-renewed permit at mga lisensya kasama ang 351 rounds ng ammunition. Aabot naman sa 180 indibidwal ang naaresto sa anti-illegal gambling operation at aabot sa Php20,707.00 ang halaga ng bet money na nakumpiska.

Kasabay ding naaresto sa nasabing mga operasyon ang 19 Most Wanted Persons at 79 other wanted persons.

“We will not let up. Our police units will continue to pursue drug personalities, illegal firearm holders, illegal gamblers, and wanted persons wherever they may be in Central Visayas. At the same time, we will continue to uphold the rule of law and ensure that our operations are conducted professionally, responsibly, and with respect for the rights of every individual” (Hindi tayo titigil. Patuloy na tutugisin ng ating mga yunit ng pulisya ang mga sangkot sa ilegal na droga, mga nagmamay-ari ng ilegal na baril, mga sangkot sa ilegal na pagsusugal, at mga wanted na indibidwal saanman sila naroroon sa Central Visayas. Kasabay nito, patuloy nating itataguyod ang batas at sisiguraduhing ang ating mga operasyon ay isinasagawa nang propesyonal, responsable, at may paggalang sa karapatan ng bawat isa), pahayag pa ni PBGen Arnold E Abad, Regional Director ng PRO7.

Alinsunod sa mantra na “Bagong PNP Para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” hinimok ng pamunuan ng PRO7 ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad upang maging epektibo ang pagpapatupad ng batas at ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng lahat.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19GjbpLRGJ/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply