4,190 kapulisan ng PRO5, naka-alerto para sa seguridad ng SONA 

0
98

Nakahanda ang Police Regional Office 5 (PRO5) sa pangunguna ni PBGen Erosito N. Miranda upang tiyakin na ang buong rehiyon ay mapayapa, maayos, at ligtas sa pagdaraos ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong darating na July 27, 2026.

Kabuuang 4,190 na tauhan ang nauna nang isinailalim sa heightened operational readiness sa buong Bicol Region, kabilang ang mga naka-deploy sa border control points, KASUROG C.A.R.E. contingents, area security, covert security operations, at Quick Response Teams upang matiyak ang agarang pagtugon sa anumang banta sa seguridad.

Kasabay nito, paiigtingin din ng PRO5 ang police visibility, intelligence operations, checkpoints, at manhunt operations laban sa mga kriminal, wanted persons, ilegal na droga, loose firearms, at iba pang ilegal na aktibidad.

Iginiit ng PRO5 ang paggalang sa karapatang pantao at mapayapang pagtitipon, habang mahigpit na ipatutupad ang batas at maximum tolerance sa lahat ng police operations.

Alinsunod sa layunin ng mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” ang PRO 5 ay laging handa sa paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply