339 tauhan ng PRO 2, pormal na nanumpa sa bagong ranggo sa CY 2026 Regular Promotion Program

0
21

Pormal nang itinaas ang ranggo ng 339 Police Commissioned Officers (PCOs) at Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) ng Police Regional Office 2 (PRO 2) sa isinagawang Simultaneous Oath-Taking, Donning, and Pinning of Ranks noong Hulyo 29, 2026 sa PRO 2 Parade Ground.

Ang seremonya ay bahagi ng pagpapatupad ng First Cycle, Calendar Year 2026 Second-Level Uniformed Personnel Regular Promotion Program, na sumasaklaw sa mga kwalipikadong tauhan mula sa Regional Headquarters (RHQ), mga Police Provincial Offices (PPOs), Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB 2), Batanes Police Provincial Office, at Santiago City Police Office (SCPO).

Sa kabuuang bilang ng mga na-promote, 114 ay Police Commissioned Officers na binubuo ng 53 Police Majors, 8 Police Captains, at 53 Police Lieutenants, habang 225 naman ay Police Non-Commissioned Officers na kinabibilangan ng isang (1) Police Executive Master Sergeant, 100 Police Chief Master Sergeants, 22 Police Master Sergeants, 45 Police Staff Sergeants, at 57 Police Corporals.

Nagbigay ng welcome remarks si PCol Rodelio C. Samson, Acting Deputy Regional Director for Administration, habang pinangunahan naman ni PCol Tirso D. Manoli, Chief ng Regional Personnel and Records Management Division, ang pagbasa ng promotion orders at pormal na presentasyon ng mga na-promoteng tauhan.

Binigyang-diin naman ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng PRO 2, na ang bawat promosyon ay hindi lamang pagkilala sa nagawang serbisyo kundi isang panibagong hamon na kaakibat ng mas malaking pananagutan sa sambayanan. Hinikayat din niya ang mga na-promote na patuloy na isabuhay ang integridad, propesyonalismo, at pananagutan sa bawat tungkulin, at huwag kailanman gamitin ang kanilang awtoridad para sa pansariling kapakinabangan.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Regional Director sa mga pamilya ng mga na-promote, bilang pagkilala sa kanilang walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at suporta na naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng bawat kapulisan.

Muling pinagtibay ng seremonya ang patuloy na adhikain ng Police Regional Office 2 na kilalanin ang kahusayan ng mga tauhan, isulong ang propesyonalismo, at hubugin ang mga lider na may integridad, kakayahan, at pananagutan, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Police Regional Office 2

Leave a Reply