Baras, Rizal – Narekober ng Rizal PNP ang tatlong vintage bomb sa dalawang bayan ng Rizal nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.
Ayon kay Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang Unexploded Explosive Ordinance (UXO) ay natagpuan sa Sitio Kapatagan, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal ng anak ng isang magsasaka habang nagpuputol ng puno ng saging.
Samantala, isa ring vintage bomb ang natagpuan naman sa bakanteng lote sa Pulang Lupa, Buntong Palay, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal ng isang grab driver na agad pinagbigay alam sa San Mateo Municipal Police Station.
Dagdag pa ni PCol Baccay, ang mga narekober ay dalawang 81mm mortar at isang 80mm round mortar.
Pinaalalahanan ng PNP ang mamamayan na huwag mag-atubili na ipagbigay alam kung may matagpuan na kahina-hinalang bagay upang makaiwas sa panganib na maaaring idulot nito.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon